LEGAZPI CITY- Nagsimula na ang first phase ng planong pagtatayo ng Philippine Coastguard Academy sa Cagraray Island sa Bacacay, Albay.

Ayon kay Coastguard District Bicol Commander Commodore Philipps Soria na isa itong multi-year project na nangangailangan ng malaking pondo.

Kung magpapatuloy umano ang paglalaan ng P200 million na pondo kada taon, posibleng maisakatuparan ang naturang akademya sa loob ng limang taon.

Maalala na sa kasalukuyan ay mayroong Coast Guard Academy sa Bataan kung saan nagtatapos ang nasa 200 hanggang 300 na mga officers kada taon.

Subalit sa kasalukuyan, ang mga nakakapasok sa recruitment ng ahensya ay tanging ang may mga eligibility lamang.

Sinabi ni Soria na sa ilalim ng Philippine Coastguard Academy, mag-aalok ng apat na taong kurso para sa mga nais makapasok sa Philippine Coast Guard kung saan tatanggapin ang mga nagtapos sa sekondarya.

Ayon sa opisyal, ang headquarters ang nagsasapinal ng detalye kaugnay ng naturang plano.