LEGAZPI CITY – Aminado si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Bicol Regional Vice President Orlando Iñigo na bumaba ang morale sa kasalukuyan ng mga empleyado dahil sa isyung kinakaharap.

Sa pahayag ni Iñigo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, bilang tao nasasaktan rin ang mga empleyado sa mga isyu partikular na sa akusasyon ng pagnanakaw ng mga opisyal sa pera ng bayan.

Depensa ng opisyal, nagkaroon lamang ng problema sa mismong sistema ng PhilHealth.

Subalit tuloy naman ang paghikayat sa mga ito upang tumaas ang morale at hindi maapektuhan ang trabaho.

Hindi pa umano tapos ang mga kailangang gampanang papel ng ahensya sa coronavirus (COVID-19) response.

PhilHealth Bicol Regional Vice President Orlando Iñigo