LEGAZPI CITY- Binuksan na rin ng St. Jude Thaddeus Parish Church ang naturang simbahan upang patuluyin ang ilang mga residente na nasa critical areas.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang nananatili ang ilang mga residente ng Barangay Lapu-Lapu, Legazpi City sa naturang simbahan.

Ito ay kaugnay pa rin ng pinangangambahang epekto ng Super typhoon Pepito na kasalukuyang nagdadala ng banta sa ilang bahagi ng rehiyong Bicol.

Samantala, nagsagawa naman ng misa upang ipanalangin ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa naturang sama ng panahon.