Nagpaliwanag ang Albay Provincial Environment and Natural Resources patungkol sa hindi nila pagbibigay ng permit para sa operasyon ng isang maliit na quarry sa ilog sa Purok 6 Brgy. Bogtong, Legazpi City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Dave Cua, Division Chief Land and Resources Management kan PENRO Albay, naghihintay pa ang kanilang opisina ng ipapalabas na direktiba mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH Region V) dahil mayroong gagawing dredging sa parte ng yawa river sa mga susunod na araw.
Dito umano malalaman kung ano ang mangyayari sa mga taong hanapbuhay ang pagkuha ng mga buhangin sa nasabing ilog kung sakaling magsimula na ang proyekto ng DPWH.
Kun babalikan, nagpadala na ng sulat si Kapitan Armando Toledo ng nasabing barangay sa opisina ng provincial government ng Albay upang hingin ang permiso na maipagpatuloy an hanapabuhay ng mga nasasakupang maapektuhan ng magiging pagbabago.
Samantala sinabi naman ni Cua na wala namang magiging problema sa PENRO kungpapayag ang DPWH na ipagpatuloy ang operasyon ng nasabing quarry.
Ngunit magsasagawa pa rin umano ng mga inspeksyon ang opisina patungkol sa operasyon kung saan sinasabing dinadala umano ang mga buhangin sa bayan Sto. Domingo
Pwede umano itong maging iligal lalo pa at napupunta ang 40% ng kita sa Sto. Domingo imbes na sa Legazpi.