LEGAZPI CITY-Isinasagawa ngayong araw ng Sabado ang ‘Peace Ride and Rally For Change ng Diocese of Legazpi’ sa pangunguna ng simbahan bilang parte ng paglaban sa kurapsyon sa probinsya ng Albay.
Ayon kay Social Action Center of Diocese of Legazpi Fr. Erick Martillano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na parte ito ng kanilang pakikiisa sa nakaraang Trillion Peso March kung saan lilibutin ang 360 degrees na mga lugar sa probinsya ng Albay.
Samantala, nagsisimula na ang nasabing aktibidad magmula ngayong umaga kun saan babaybayin nito ang mga lugar mula sa Daraga, Legazpi, Sto. Domingo, Bacacay, Malilipot, Tabaco, Malinao, papuntang Ligao hanggang sa makabalik sa Albay Cathedral.
Obheto naman ng nasabing rally ang protektahan ang kapaligiran, pagtulong sa mga kapwa indibidwal, at paglaban sa katiwalian.
Tinatayang nasa mahigit 500 na mga indibidwal naman ang inaasahang makikilahok sa nasabing rally kasabay na ang nasa 52 na mga parishes, mga eskwelahan, at ibat-ibang grupo sa probinsya.