LEGAZPI CITY – Mahigpit na pinag-iingaat ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang publiko kaugnay sa mga debris mula sa rocket na pinalipiad ng China na posibleng bumagsak sa ilang bahagi ng karagatan ng island province.

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang pagpapalipad ng Beijing ng Long March 8 rocket, kung saan maaaring mahulog ang mga debris sa ilang karagatan ng Pilipinas partikular na sa Ilocos Sur at Catanduanes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Roberto Monterola, Operations Section Chief kan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Catanduanes, hindi nakapagpalabas ng advisory ang tanggapan dahil huli na nang matanggap ang naturang impormasyon.

Subalit nanawagan lalo na sa mga mangingisda na mag-ingat sa paglayag at agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad kung mayroong makitang tipak ng naturang rocket.

Binaalan din ang mga gustong kumuha o lumapit dito dahil sa posibleng taglay na mga natitirang nakakalason na kemikal tulad ng rocket fuel.