LEGAZPI CITY-Inihayag ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos ngayong araw ng Lunes na inalis na niya ang excise tax sa LPG at kerosene sa gitna ng mataas na presyo ng gasolina sa bansa.

Matatandaang nilagdaan ni President Marcos ang Republic Act No. 12316 noong Marso 25, na nagbibigay sa kanya ng emergency power na suspindihin o bawasan ang excise tax rate sa gasolina.

”Inalis ko na ang excise tax sa LPG at kerosene,” ayon sa pahayag ng Pangulo.

“Ang katumbas nito ay P3.36 ang bawas ng kada kilo ng LPG, halos P37 sa isang tangke ang mababawas na presyo… at P5.60 kada litro ng kerosene,” dagdag pa niya.