PBBM in Commission on the Status of Women session

LEGAZPI CITY-Nakatakdang pirmahan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na suspendihin ang excise tax sa langis.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan bunsod ng giyera sa Middle East.

Kinumpirma ni Pangulong Marcos na natanggap na nito ang kopya ng enrolled bill na ipinadala ng Kongreso.

Samantala, naiulat rin niya na may mga hakbang na din ang pamahalaan para mapanatili ang presyo sa mga prime commodities sa bansa.