Ipinag-utos ng Department of Education ang pagpapatupad ng suspensyon ng klase ngayong araw, Agosto 20, 2024 sa ilang lugar sa National Capital Region at Region IV-A.
Ito ay kaugnay pa rin sa epekto ng volcanic smog mula sa Taal volcano kasunod ng pinakahuling insidente ng eruption.
Batay sa DepEd memorandum No. 46 series of 2024, ipinag-utos rin ang pansamantalang pagsasagawa ng flexible learning sa mga apektadong paaralan.
Samantala ang lifting ng naturang suspensyon ng pasok ay naka-depende umano kung ligtas na para sa mga guro at mga mag-aaral ang pagbabalik sa paaralan.