LEGAZPI CITY- Suspendido na ang pasok sa lahat ng antas sa ilang mga lalawigan sa Bicol region dahil sa pinangangambahang epekto ng bagyong Paeng.
Kahapon pa lamang ay nagpalabas na ng abiso ang mga provincial government ng Catanduanes, Masbate, Sorsogon at Albay sa pagkansela ng pasok dahil sa banta ng naturang sama ng panahon.
Nagpatupad na rin ng pre epmtive evacuation sa bayan ng Camalig sa Albay lalo na ang mga residente na naninirahan sa floodprone at landslide prone areas gayundin ang mga nasa Mayon unit area dahil sa pinangangambahang pagdausdos ng lahar deposits dahil sa mga pag-ulan na nararanasan sa lalawigan.
Pagdating naman sa mga stranded ngayon sa pantalan, umabot na ito sa 700 na pasahero, nasa 300 na mga rolling cargoes at walong vessels.
Sa kasalukuyan ay nakataas na ang signal number 2 sa bahagi ng Catanduanes, Albay, Sorsogon at eastern portion of Camarines Sur.