An Election Watchdog has challenged Pasig Congressional candidate Atty. Ian Sia to withdraw his candidacy after a viral insult to single mothers.

LEGAZPI CITY – Hinamon ng isang Election Watchdog si Pasig Congressional candidate Atty. Ian Sia na iatras ang kaniyang kandidatura pagkatapos ng nag-viral na pambabastos sa mga single mother.


Ayon kay Kontra Daya Convenor Danilo Arao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa isinagawang press conference ng kandidato ay hindi sinsero ang public apology nito at mali ang pagkaka-intindi sa gender reflection.


Aniya, kung sinabi nito na magsasailalim siya sa gender sensitivity training ay pwede pa itong mapagbigyan.


Ngunit kung iisipin, hindi katanggap-tanggap ang kabastusan na ginawa niya partikular sa panig ng mga single mother.


Akala umano ng kandidato na magiging valid ang kaniyang binitiwang salita sa paraan lang pagpalakpak ng mga tao.


Maging aral umano sa lahat, kandidato man o hindi na maging maingat sa mga binibitawang salita dahil ta may posibilidad na magtrending ang sinuman sa social media.


Kung si Arao ang tatanungin, makakaapekto sa pagboto sa kanya ng mga botante ang kaniyang ginawa partikular na sa mga kababaihan ngunit may posibilidad na manalo ito dahil karamihan sa nananalo sa mga nagdaang halalan ay naluklok na wala naman nagagawang mabuti sa kanilang termino.