Idinaan ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa isang video sa TikTok ang pagsuporta sa mga frontliners sa paglaban sa coronavirus pandemic.
Nakiuso si CabSec Nograles at nagpost sa Twitter ng kaniyang video ng pagsaludo at pasasalamat, sa saliw ng awiting “Fight Song” ni Rachel Platten.
May caption ang naturang tweet na:
“Walang hanggang pasasalamat para sa ating mga #frontliners na kahit ano man panahon o kalamidad ay patuloy na nagseserbisyo para sa Inang Bayan #BeatCovid19 #WeHealAsOne #BahayMunaBuhayMuna.”
Batay sa latest data ng Department of Health (DOH), nakapagtala na ng 4,195 confirmed COVID-19 cases ang Pilipinas habang nasa 140 na ang nakarecover at may 221 na nasawi.