LEGAZPI CITY – Magkakaroon ng annular solar eclipse sa Hunyo 21, sa araw ng Linggo subalit partial solar eclipse lamang ang makikita sa Legazpi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PAGASA DOST Legazpi Weather Forecaster Ariel Zamudio, magsisimula ang partial solar eclipse dakong alas-3:02 ng hapon, alas-4:26 ang maximum eclipse at alas-5:32 ang pagtatapos nito o nasa halos dalawa’t kalahating oras.

Kung makulimlim ang panahon sa Linggo, hindi maoobserbahan ang event.
Ang partial solar eclipse ang nangyayari sa panahong pinakamalayo ang buwan sa daigdig.

Subalit paalala ni Zamudio sa mga nais na matunghayan ang event na gumamit ng welder’s glass bilang proteksyon sa mga mata o tubig sa batya upang doon na lamang tingnan ang repleksyon ng araw.

Ang direkta aniyang pagtingin sa araw ang posibleng makapinsala sa mga mata.

PAGASA DOST Legazpi Weather Forecaster Ariel Zamudio