Magkakaroon ng Pambihirang aktibidad ang mga planeta sa Solar System kung saan maghahanay-hanay ang anim na planeta sa iisang linya sa darating na myerkules, Agosto 28, 2024.
Ang phenomenon na ito ay tatawaging “Parade of Planets” na kung saan ang mga planeta ng Mercury, Mars, Jupiter, Uranus at Saturn ay maghahanay-hanay sa isang linya na tiyak na magdadala ng kasiyahan lalong lalo na sa mga mahihilig manood ng mga Astronomical Events.
Ayon sa State Weather Bureau, ang alignment ng mga planeta ay mangyayari ng umaga bago pa man sumikat ang araw kung saan ang mga planeta ng Jupiter at Mars ay makikita mismo ng mga mata ng tao bandang alas kwatro ng umaga subalit ang Mercury ay mahihirapang makita dahil na din sa distansya nito mula sa araw.
Habang ang mga planeta naman ng Uranus at Neptune ay kinakailangang gamitan ng mga “High-Powered binoculars” para makita.
Inaasahan namang magbibigay ito ng labis na kasiyahan at excitement sa mga taong mahihilig manood at mag abang ng mga astronomical events tulad nito.