LEGAZPI CITY – Mariing inihayag ng Filipino Nurses United (FNU) na hindi kasagutan ang panukalang pagpapatupad ng ”ladderized” program para sa mga nurse upang mapunan ang kakulangan ng medical workforce ng Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay FNU Sec. General Jocelyn Andamo, isang ”urgent problem” ang kakulangan ng bilang ng nurses sa bansa kaya’t mahalagang mabigyan ng agarang solusyon.
Aminado rin ito na makakatulong ang naturang panuka, subalit kailangan ang agarang aksyon para sa lumalalang ”understaffing” sa mga ospital.
Dahilan nito ang mababang sahod at hindi sapat na benepisyo ng nurses kapalit ng halos 16 oras na trabaho, kun kaya’t marami ang napipilitan na mangibang bansa upang doon magtrabaho.
Dahil sa kakulangan ng medical workforce, ilang mga ospital na ang napipilitang huwang tumanggap ng mga pasyente.
Biniyang diin ni Amando na bago sana bumuo ng panibagong programa, dapat na alamin muna kung bakit maraming nurses ang umaalis ng bansa.
Aniya, oras na magkaroon ng kasagutan at masolusyunan ang naturang suliranin, tiyak na mas pipiliin ng mga health worker na manilbihan sa sariling bansa.