A man carrying a placard which reads "Junk Terror Bill" joins a rally against the Anti-Terrorism Bill on June 4, 2020 at the University of the Philippines in Quezon City, Philippines. Under the proposed bill, a person suspected to be a terrorist can be detained for up to 24 days without a warrant of arrest, be placed under surveillance, and may be sentenced to lifetime imprisonment. The bill has been approved on its third and final reading by the House of Representatives yesterday, June 3.(Photo by Lisa Marie David/NurPhoto via AP)

LEGAZPI CITY – Prayoridad ng ilang mambabatas at kasapi ng oposisyon na isumite ang panukalang batas na hirit na i-repeal ang kakapirma pa lamang na Anti-Terrorism Law sa pagbabalik-session sa Kamara.

Kasunod ito ng pormal nang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarate, sisingilin umano ang mga kapwa mambabatas at ilan pang nangampanya sa pagsulong ng batas.

Nilinaw naman nitong hindi na ikinabigla ang naging hakbang ng Pangulo mula nang mismong ang hepe ehekutibo ang nagsertipika bilang urgent sa pagpasa nito.

Itinuturing ng mambabatas na “black day” ang pagsasabatas nito habang mistulang nanumbalik rin umano ang bansa sa panahon ng Administrasyong Marcos.

Subalit mas mabangis aniya dahil wala naman sa ilalim ng Martial Law habang patuloy na isinusulong ang hindi para sa interes at ikabubuti ng mamamayang Pilipino.

Maliban pa rito, naghahanda na rin ang mga abogado sa pagkwestiyon ng Constitutionality ng pagsasabatas nito sa Korte Suprema.

Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarate