Atty. Harry Sucgang, political analyst in the province of Aklan, stated that Sen. Imee Marcos' bill regarding the transfer of Filipino citizens to foreign facilities or countries can be considered worthless.

Ipinahayag ni Atty. Harry Sucgang, political analyst sa probinsya ng Aklan na ang panukalang batas ni Sen. Imee Marcos tungkol sa paglilipat ng mga mamamayang Pilipino sa mga foreign facilities o bansa ay maituturing na walang kwenta.

Ito ay may kaugnayan sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa kanya, ang ICC ay ginawa para imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga lider ng mga bansa nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon na hindi makasuhan sa sariling bansa.

Maituturing din umano na pang protekta ang nasabing bill kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at VP Sara Duterte dahil sa kumakalat na impormasyon na susunod na iimbitahin si Sen. Bato Dela Rosa ng ICC.

Inaasahan din niya na hindi ito a-aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil gusto din niya na bumalik sa ICC.

Paliwanag din ni Atty. Harry Sucgang na hindi dapat katakutan ang ICC dahil ang hinahabol lamang nito ay ang mga may kasalanan.