Dagdag pasakit na naman ang nakatakdang sumalubong sa mga motorista.
Ito matapos ihayag ng Department of Energy na nakatakdang magkaroon ng panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang nasa P1.41 kada litro ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina.
Nasa P0.45 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel habang P0.57 ang nakatakdang pagtaas sa kada litro ng kerosene.
Ang patuloy pa rin na geopolitical tensions sa Middle East ang itinuturong dahilan ng nasabing pagtaas.
Karaniwang araw ng Lunes nalalaman ang pinal na price adjustment habang Martes naman ito ipinapatupad.