LEGAZPI CITY- Personal na nagtungo sa lalawigan ng Catanduanes ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang personal na makita ang sitwasyon ng island province.

Ito matapos ang matinding pananalasa ng super typhoon Pepito na puminsala sa maraming mga kabahayan sa lugar.

Personal na nai-turn over ng pangulo ang paunang presidential assistance na ipinamahagi sa mga apektadong residente.

Samantala, tiniyak rin ni Pangulong Marcos ang pagbibigay ng iba pang pangangailangan ng lalawigan upang matulungan ang mga ito na muling makabangon mula sa sakuna.

Pinuri rin nito ang mga mamamayan ng Catanduanes sa pagpapakita ng katatagan sa gitna ng kinakaharap na pagsubok.