Matapos ang nasa 14 na taon ay makakauwi na sa Pilipinas ang Pinay na si Mary Jane Veloso, na nahatulan ng kamatayan sa bansang Indonesia.

Matatandaan na nahaharap sa kasong drug trafficking si Veloso matapos maaresto noong 2010.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Indonesian President Prabowo Subianto matapos pakinggan ang apela sa Indonesian government na mapauwi sa bansa si Veloso.

Kung babalikan, mahigit isang dekada ang naging negosasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan upang mapigilan ang execution kay Veloso.