Inihayag ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang ₱6.352-trillion 2025 national budget sa Disyembre 30.
Matatandaan na una sana itong itinakdaa nong Disyembre 20 subalit naantala upang bigyang daan ang pag-aaral sa pondo ng ilang tanggapan.
Una ng inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na pinulong ng pangulo ang head ng ilang mga departamento para sa pagtalakay ng pondo ng mga ito.
Siniguro rin ng Malakanyang na hindi magkakaroon ng reenacted budget para sa susunod na taon.