LEGAZPI CITY- Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Hulyo 17 hanggang 23 kada taon bilang ‘National Disability Rights Week.’
Sa ilalim ng Proclamation No. 597 ay inatasan ang National Council on Disability Affairs na maglatag ng mga aktibidad, programa at proyekto para sa naturang pagdiriwang.
Bahagi umano ito ng pagnanais ng bansa na makasunod sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities.
Sakop ng kautusan ng pag-obserna ng National Disability Rights Week ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, state universities and colleges at iba pang mga korporasyon na pag-aari ng pamahalaan.