LEGAZPI CITY- Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ng mga kinauukulan sa Albay Astrodome sa lungsod ng Legazpi kaugnay ng inaasahang pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Personal kasing ipapamahagi ng pangulo ang pinansyal na asistensya na nakalaan para sa mga magsasaka, mangingisda at pamilya ng mga ito kaugnay ng naging epekto ng El Niño.

Nabatid na ang mga benepisyaryo ng naturang asistensya ay mula pa sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyong Bicol.