LEAZPI CITY- Binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lalawigan ng Albay na kasalukuyang nasa State of Emergency dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang mayon.
Una nitong pinuntahan ang evacuation center sa Barangay Mauraro, Guinobatan kung saan sinalubong ito ni Albay Governor Grex Lagman at Mayor Paul Chino Garcia.
Kasama ng pangulo sa pagdating sa Albay si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benjamin C. Abalos Jr., Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, Department of Scientist and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr., Department of National Defense (DND) Secretary “Gibo” Teodoro Jr. at si United Arab Emirates Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Alqataam Alzaab.
Pinangunahan ng pangulo ang pagbibigay ng food packs para sa mga evacuees.
Matapos ito ay tumungo naman Presidente sa Albay Astrodome sa lungsod ng Legazpi upang dumalo sa full council meeting ng Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pinangunahan na rin nito ang pamimigay ng asistensya sa mga local government units na apektado ng patuloy na pag-aalbututo ng Bulkang Mayon.
Samantala, nauna na ring dumating sa Albay sina Secretary Teodoro, at Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Ariel Nepomuceno na dala ang tatlong Water Filtration Trucks na pwedeng magamit para sa malinis na tubig na siyang kailangan ngayon ng mga evacuees.