Bumuwelta si Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin Jr. laban sa panawagan ni Senador Imee Marcos na magbitiw ang liderato ng Kamara.
Giit ni Garbin, hindi basta-basta matitinag ang pinuno ng Mababang Kapulungan dahil ito’y bunga ng malinaw na mandato ng supermajority.
Aniya, hindi nila ibinibigay ang kapangyarihang ipinagkaloob ng Saligang Batas sa anumang panlabas na impluwensya maging ito man ay mula sa Senado o sa Korte Suprema.
Dagdag pa niya, kung nais ng Senado na isuko ang sarili nitong kapangyarihan, sila na lang ang gumawa nito, huwag nang idamay ang Kamara.
Nanindigan si Garbin na anumang pagbabago sa liderato ay dapat manggaling sa loob, sa pamamagitan ng parehong demokratikong proseso.
Sa ngayon, matatag pa rin ang kanilang suporta kay House Speaker Martin Romualdez.