LEGAZPI CITY – Nakapagtala na naman ng aksidente sa bahagi ng Purok 7, Upper Sipi, Daraga, Albay nitong umaga lamang.
Ayon sa paunang impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi na nawalan umano ng preno ang pampasaherong jeep na biyaheng Daraga-Anislag.
Dahil dito ay nabangga pa ng naturang jeep ang isang motorsiklo na naka park sa gilid ng kalsada.
Nabatid na patungo sana ang naturang jeep sa Poblacion, Daraga mula sa Anislag ng mangyari ang aksidente.
Ayon sa may-ari ng motorsiklo na si Celestina Calais sa pamayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakaladkad ang kanilang motorsiklo subalit wala namang nasaktan.