vehicular accident in Daraga, Albay

LEGAZPI CITY- Nasangkot sa aksidente sa Purok 6, Upper Sipi, Daraga, Albay ang isang pampasaherong bus na patungo sa Samar.

Ayon sa paunang impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi na inatake umano sa puso ang driver nito.

Patuloy pang kinukumpirma ang kalagayan ng naturang driver.

Nagdulot naman ng buhol-buhol na daloy ng trapiko sa lugar ang naturang insidente.

Samantala, agad naman na inaksyunan ng mga kinauukulan ang mga kable ng kuryente na sumabit sa bus upang makadaan na ang mga sasakyan na naantala ang biyahe.