LEGAZPI CITY- Nahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa bahagi ng Barangay Magais 1, Del Gallego, Camarines Sur kaninang madaling araw.
Ayon sa impormasyon na galing ang naturang bus sa Cubao at patungo sana sa Gubat, Sorsogon ng mangyari ang aksidente.
Kinukumpirma naman ang ulat na nakapagtala na ng mga binawian ng buhay dahil sa aksidente habang mahigit 20 naman ang sugatan.
Agad naman na nagtungo sa lugar ang mga kinauukulan upang sumaklolo sa mga sakay ng naturang bus.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat kung ano ang sanhi ng naturang aksidente.
Matatandaan na ilang ulit ng nagpaalala ang mga otoridad na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayon na marami ang mga buma-biyahe upang makauwi sa kanilang mga probinsya.











