LEGAZPI CITY – Tinupok ng apoy ang isang pamapasaherong bus sa may kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Pawa, Matnog, Sorsogon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay SFO4 Rene Ariate, Officer-in-Charge ng Matnog Fire Station, mula sa Pasay ang naturang bus at papunta sana sa Tacloban ng mangyari ang sunog.
Una rito ay napansin ng isang pasahero na umaapoy ang ilalim ng kanyang upuan kaya agad itong ipinagbigay alam sa mga kasama sa loob ng sasakyan.
Lumalabas san imbestigasyon na mula sa engine ng bus ang apoy hanggang sa lumaki at masunog ang buong sasakyan.
Nadamay din ang ilang gamit ng mga pasahero dahil hindi kinayang maibaba lahat.
Ayon kay Ariate, isa sa mga nagin pagkukulang ng driver ng bus ay wala sa katabi ang fire extinguisher kundi nasa ilalim ng estribo o compartment ng saskayan, kaya hindi agad naagapan an apoy.
Subalit ipinagpasalamat naman nito na walang nasaktan sa insidente dahil ligtas ang nasa higit 40 n amga pasahero.