LEGAZPI CITY- Nakikipagtulungan na sa Office of the Civil Defense Bicol at iba’t-ibang mga ahensya ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Tabaco, upang mahanap na ang mga nawawalang mga mangingisda.

Ayon kay Gil Molato sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naka-schedule ngayong araw na isagawa ang aerial search sa karagatan lalo pa ngayon na hindi pa pinpayagan ang search and rescue dahil sa hanggang ngayon ay delikadong mga alon sa dagat.

Samantala nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa MDRRMO sa Camarines Sur, Sorsogon at Catanduanes, upang agad na malaman kung sakaling mapadpad sa kanilang karagatan ang mga mangingisda.

Dagdag pa ni Molato, base sa pahayag ni Alberto Balager isa sa mangingisdang nakasalba mula ibang bangka ay nakita nya pa ang tatlo noong Disyembre 22, alas-4 ng hapon.

Kaugnay nito umaasa ang pamilya ng mga mangingisda na buhay at nasa ligtas na kalagayan ang kanilang kapamilya.

Muli namang nagpaalala ang mga otoridad sa lahat ng mga mangingisda na hwuag ng pumilit na magpalaot lalo na kung masama ang panahon.