LEGAZPI CITY – Duda ang pamilya ng isang Bicolano seafarer na mayroong iregularidad sa pagkawala ng kaniyang anak.


Ayon kay Kapitan Ely Bobiles Jr., ama ng nawawalang seafarer sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi sila nabibigyan ng anuman na malinaw na kasagutan ng manning agency.


Kwento nito na simula Disyembre 5 noong nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan ay wala pang update sa lokasyon ng naturang Bicolano seafarer.


Nabatid na humingi na rin ito ng crew list kasunod ng pakikipag-usap sa Department of Migrant Workers subalit ng dumating ang mga dokumento, nabatid na wala na sa listahan ng mga crew ang kaniyang anak ng dumaong ito sa ilang mga international ports.


Kinuwestyon rin ni Bobiles kung bakit hindi idineklara na missing ang kaniyang anak kahit pa hindi ito kasama sa apat na mga international ports.


Nang magtungo naman ang pamilya ng biktima sa Philippine Overseas Employment Administration, nakita na magkaigwa ang pirma ng kaniyang anak sa mga isinumite na papeles kumpara sa mga dokumento na ipinadala ng  legal council ng manning agency.


Dagdag pa nito na dalawang kapwa seafarer na nag nakipag-ugnayan sa asawa ng kaniyang anak upang magpaabot ng impormasyon at nangako na makiipagtulungan sa pamilya.


Nanawagan na rin si Bobiles sa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matulungan sila na mahanap ang nawawalang anak.