LEGAZPI CITY- Hindi napigilan na maging emosyunal ng pamilya ng mag-lola na nalunod sa baga sa Barangay Bonga, Bacacay, Albay.
Ayon sa lolo ng 9-anyos na biktima na si Jun Belga sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na matinding kalungkutan ang kanilang nararamdaman sa ngayon.
Nanawagan ito na matulungan sila lalo na sa kakulangan sa pinansyal para sa pagpapalibing ng kaniyang asawa at menor de edad na apo.
Matatandaan na galing sa simbahan ang naturang lola at apo nito upang magbayad sa pagkuha ng death certificate ng isa pang pumanaw na apo.
Nang pauwi na ay hindi napansin ang kanal sa lugar at nahulog ang mga biktima hanggang sa anurin at malunod ang mga ito.
Ayon kay Belga na umuwi siya mula sa trabaho sa Metro Manila dahil sa pagkamatay ng kaniyang apod subalit hindi inasahan na panibagong dagok ang sasalubong sa kanilang pamilya.
Sa kasalukuyan ay aminado ito na pahirapan ang paghahanap ng pinansyal na pangangailangan subalit hindi nawawalan ng pag-asa na may tutulong sa kanila kasunod ng nangyaring trahedya.