LEGAZPI CITY – Hustisya pa rin ang panawagan ng pamilya Batocabe, halos anim na taon na ang nakakalipas matapos na pagbabarilin ang kanilang padre de pamilya na si dating Congressman Rodel Batocabe.
gayong Linggo ng magpalabas na ng kautosan ang Regional Trial Court sa National Capital Region para sa pagpapaaresto kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siyang itinuturong mastermind sa pagpatay sa kongresista.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Justin Batocabe ang anak ni dating Congressman Rodel, panahon na upang maibigay ang hustisya na matagal na nilang inaasam para sa namayapang ama.
Umaasa itong tutotokan ng mga awtoridad ang paghahanap at paghuli sa alkalde.
Nanawagan rin si Batocabe sa Department of Interior and Local Government na suspendihin at bigyan ng administrative penalty si Baldo kung hindi pa rin ito susuko sa mga awtoridad.
Maaalalang Disyembre 22 ng taong 2018 ng pagbabarilin si dating Congressman Batocabe na tumatakbo noon bilang alkalde ng bayan ng Daraga at makakalaban sana sa eleksyon si Baldo.