Legazpi City- Labis na ikinagalak ng pamilya Batocabe ang ipinalabas na pasya ng Regional Trial Court Manila na nag-uutos sa pagpapalipat ng kustodiya ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa National Capital Region.
Matatandaan na si Baldo ang itinuturong suspek sa pagpaslang kay dating Congressman Rodel Batocabe at sa police aide nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa anak nito na si Atty. Justin Batocabe, sinabi nito na malaki ang pasasalamat nila sa bagong development sa kaso ng kaniyang ama.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa kustodiya ng mga kapulisan sa Albay si Baldo.
Naniniwala ang pamilya Batocabe na mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng ama sa gift giving activity sa bayan ng Daraga noong December 2018.
Umaasa naman ang nakababatang Batocabe na sa pamamagitan ng ipinalabas na ‘Transfer of Custody’ kay Baldo ay umaasa sila na hindi ito mabibigyan ng special treatment.
Nawagan naman ito sa mga kinauukulan na maging patas at manindigan sa tamang pagbibigay ng hustisya.