LEGAZPI CITY- Panawagan ng pamilya Batocabe na mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni dating Cong. Rodel Batocabe kasabay ng ikatlong taong anibersaryo ng pagkakapaslang nito.

atocabe

Disyembre 22 taong 2018 ng mapatay sa pamamaril ang kongresista at kasama nitong police aide na si Master Sgt. Orlando Diaz habang nasa isang gift giving activity sa Barangay Burgos, Daraga, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Atty. Justin Batocabe, anak ng yumanong kongresista, aminado itong nababagalan sa takbo ng kaso laban sa mga suspek lalo na ngayong limitado ang aktibidad ng korte dahil sa coronavirus disease pandemic.

Matapos umano ang tatlong taon, nasa preliminary hearing pa lamang ang kaso habang ngayong buong taon apat na pagdinig lamang ang naisagawa ng korte.

Maalalang itinuturong mastermind umano sa pamamaslang sa kongresista ang makakalaban sana ni Batocabe sa Mayoralty race sa bayan ng Daraga na si dating Mayor Carlwyn Baldo na pansalamantalang nakalaya matapos na makapagpiyansa.