LEGAZPI CITY – Tinapos na ng pambato ng Sorsogon ang kaniyang journey sa Miss Universe Philippines 2020 dahil sa usaping pangkalusugan.
Ito ay ilang araw matapos na magnegatibo na sa COVID-19 si Maria Isabela Galeria at ang municipal councilor na ama.
Sa social media post ni Galeria, ibinahagi nito na bagama’t COVID survivor na, mistulang hindi pa umano handa at nakokondisyon ang katawan sa muling pagsabak sa MUP activities.
Kahit aniya naroon ang willpower sa paglahok sa pageant subalit mistulang hindi nakikibahagi ang katawan na umano’y “beyond her control”.
Inamin naman ni Galeria na matagal na pinag-isipan at iniyakan pa, ang mabigat sa dibdib na desisyon.
Hindi nakalimutang pasalamatan ng 22-anyos na Sorsogon beauty ang lahat ng sumuporta sa kaniyang MUP journey habang hangad ang pang-unawa sa pagpapasya.
“I’m forever grateful to each of you who invested so much time and effort in helping me through this journey; however, even with a strong will to fight, my body is not well conditioned yet. With a heavy heart, I believe now is not the right time to join the pageant. I still feel tired, and I don’t think my body will allow me to participate in the activities of Miss Universe Philippines. I hope you understand this is something beyond my control. I’ve thought hard and cried for so many nights about this. I have the willpower, but my body is not cooperating. I’m praying for your utmost understanding,“ani Galeria.
Samantala, bumaha naman ang mga mensahe ng suporta at panalangin para sa sana’y kinatawan ng Sorsogon sa MUP 2020 kabilang na ang first lady ng Sorsogon na si Heart Evangelista.
“I love you tabi! Always and always here to back you up! You know that ♥️ I believe in you so much because I know your heart ! Love you @mariaisabelagaleria ! Your story will only make you stronger 🙂 the future is already shining for you 💖”
Sa Oktubre 25 ang pinakaabangang coronation sa Miss Universe Philippines 2020 na gaganapin sa Baguio City.