LEGAZPI CITY – Nakapag-uwi ng parangal ang pambato ng Pilipinas sa katatapos pa lamang na Mr. Teen World Universe na isinagawa sa Vietnam.

Nakuha ni Karlo Caballas Malvarosa na tubong Pio Duran, Albay ang best in national costume at Mister World Universe Teen International 2022-Media.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Karlo Caballas Malvarosa, kahit na hindi naiuwi ang korona sa pristehiyosong pageant malaking karangalan na umano na makuha ang mga nasabing award.

Sulit din ang mga pinagdaanang training at pagpapagod sa pagbiyahe mula sa kanilang bayan papuntang Naga City upang makapag-ensayo lamang.

Samantala, payo naman nito sa mga nais na pumasok sa industriya ng pageant na magkaroon ng tiwala sa sarili at ituloy lamang ang paggawa ng mga bagay upang maabot ang pangarap sa buhay.