LEGAZPI CITY – Opisyal nang ipinakilala ng Miss Universe Philippines organization ang Top 32 finalists na magtatapatan para sa korona.

Kabilang ang pambato ng Albay na Fil-French na si Julia Saubier sa mga pumasok sa final cut.

Una nang nakasama sa Top 4 sa Interview Challenge si Saubier maliban pa sa ibang competitive segment ng pageant gaya ng swimsuit, fashion and runway, at casting video.

Sa online campaign ng isang livestreaming platform, nakuha ang dalawang iba pang finalists.

Pasok rin sa naturang listahan ang mga itinuturing na front-runners na sina Miss World Philippines 2019 Michelle Dee, Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi, Miss Universe Philippines 2020 3rd runner-up Pauline Amelinckx, at Reina Hispanoamericana Filipinas 2019 Katrina Llegado.

Sa Abril 30, nakatakda ang grand coronation ng naturang patimpalak sa kagandahan na isasagawa sa Mall of Asia arena.