LEGAZPI CITY- Nais na harangan ng pamahalaan ng Australia ang patuloy na pagpapalakas ng China sa kanilang relasyon sa Timor Leste.
Kaugnay nito, sinabi ng Australia na handa itong maglaan ng bilyones na pondo para sa gas revenue upang mapigilan ang China na makapaglagay ng pasilidad malapit sa kanilang teritoryo.
Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede na isang mahirap na bansa ang Timor Leste kaya nangangailangan ito ng investments na at isa sa mga tinututukan ngayon ang gas project.
Kabilang sa mga pinag-uusapan ngayon ang pag-develop ng Timor Leste ng gas sa Greater Sunrise fields na nasa 450 kilometres north-west ng Darwin at 150 kilometres south ng Timor-Leste.
Kung direkta umanong idi-deliver ang naturang gas sa Darwin ay posibleng nasa 80% ang share ng Timor-Leste habang 20% sa Australia.
Paliwanag ni Suede na malaking dagok sa seguridad ng Australia kung mapupunta sa China ang kontrata.
Dagdag pa nito na inaalok rin ng Australian government ang pagta-trabaho ng East Timor citizens sa Australia kaya nakikitang magugustuhan ni East Timor President Jose Ramos Horta ang naturang kasunduan.