LEGAZPI CITY- Ikinadismaya ng Pio Duran MDRRMO ang kawalan nh koordinasyon ng mga organizers ng Ronda Pilipinas na isa umano sa mga dahilan sa naiulat na mga aksidente sa aktibidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Pio Duran MDRRMO Chief Noel Ordoña, aminado itong maging sila ay hindi alam kung ano ang eksaktong takbo ng aktibidad lalo pa at wala naman na representante ng Ronda Pilipinas ang nakipag-usap o nagbigay man lamang ng hotline sa kanila.
Dahil dito nagkaroon ng kalitohan kung kilan daraan ang mga siklista at kung kilan kailangang bantayan ang biyahe sa dadaanang kalye.
Wala rin umanong inilagay na mga signages habang kulang rin sa mga tauhan na magtuturo sa mga kalahok kung saan dapat dumaan.
Sa kabila nito, ipinagpapasalamat pa rin ng opisyal na matagumpay pa rin na natapos ang aktibidad bagaman may ilang aksidente.
Maalalang kahapon ng dalawang siklista ang nasugatan at isa ang kinailangang itakbo sa ospital matapos na mabangga ng jeep sa parte ng Barangay Buhatan, Sorsogon.
Dalawang iba pa an sugatan rin ng mabangga ng motorsiklo ng mismong guide ng aktibidad sa parte ng Barangay Batano, Pio Duran.