LEGAZPI CITY – Binatikos ng Philippine Movement for Climate Justice si Sente President Chiz Escudero matapos na ihayag na ”unreliable” ang renewalble energy.

Kasunod ito pagsulong ng Department of Energy sa ”expensive clean energy sources” tulad ng wind at solar power.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Philippine Movement for Climate Justice Senior Program Officer Larry Pascua, lumabas sa pahayag ni Escudero na parang mas sinusuportahan ang paggamit ng coal fired power plant na mas malaki ang nai-aambag sa climate crisis

kumpara sa renewable energy.

Inamin din nito na talagang kulang sa suprota sa pag-transition sa renewable energy ng bansa na dapat sana ay palawakin at pabilisan ang implementasyon.

Sa pamamagitan nito ay tiyak na magkaroon ng mabisa at sapat na suplay ng kuryente sa bawt rehiyon at mapapabilis din ang economic development.

Binigyang-diin ni Pascua na ang pagsuporta sa mga fossil fuel ay nangangahulugan lang na hindi ikinokonsidera ang kaligtasan ng mamamayan at ng kalikasan.