LEGAZPI CITY – Welcome development sa ilang lokal na pamahalaan ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagsasaayos ng mga pantalan sa Bicol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bacacay Municipal Councilor Emmanuel Alparce, buo ang ibibigay na suporta sa naturang hakbang ng Pangulo na magbibigay ng malaking impact sa isang bayan o lungsod.
Lalo na aniya sa pier ng Bacacay na maliit at limitado lang ang biyahe dahil hindi kayang mag-accommodate lalo na ng malalaking barko.
Ayon kay Alparce, malaking tulong sa bayan oras na ma-renovate na ang pantalan lalo pa’t napapalibutan ito mga tourist destination.
Kaugnay nito, malaki rin ang posibilidad na mapalago ang turismo at ekonomiya ng bayan.
Umaasa ang opisyal na agad na matupad ang naturang plano ng Pangulo upang agad na mapakinabangan ng mga residente.