LEGAZPI CITY-Paguusap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni US President Donald Trump, ay maaaring magresulta sa economic cooperation na maghahatid ng kapayapaan, ayon sa obserbasyon ng isang propesor.
Ayon kay Bicol University Peace Studies Professor Dr Herbert Rosana, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sinabi nito na magiging magada ang epekto ng diskusyon nina Pangulong Marcos at US President Trump dahil maganda rin ang naging relasyon ng Amerika sa South East Asia.
Dagdag pa ng opisyal, interesado ang Amerika sa pang-ekonomiyang interes ng ibang bansa na dapat ma-adapt rin ng Pilipinas.
Kung siya ang tatanungin, masasabing makikisimpatiya ang Estados Unidos sa Pilipinas pagdating sa seguridad at iba pang problema, ngunit pananatilihin nito ang relasyon sa China dahil sa interes nito sa ekonomiya sa bansa.
Dapat suportahan ng Pangulo ang diplomatic effort para masolusyonan ang mga problema at iba pang negosasyon.
Aniya, ang isa pang alalahanin ng Estados Unidos ay sinusubukan ng China na sakupin ang Taiwan dahil ito ang sentro ng produksyon ng mga microchip na nagsisilbing mahalagang bagay sa industriya ng Amerika.
Sinabi pa niya na dahil sa interes sa ekonomiya, kailangan ng Estados Unidos ang puwersa ng Pilipinas upang magsilbing panangga laban sa anumang plano ng China sa Taiwan.
Dagdag pa ng opisyal, kung mangyari ito, maaaring magresulta sa pagiging target ng militar ng Pilipinas.
Nagpadala rin ng mensahe ang opisyal sa mga pinuno ng bansa na dapat maging maalam ang Pilipinas sa global content para sa pagdedesisyon.
Pinayuhan din niya ang mga kabataan na maging interesado sa pulitika kung nais maging isang epektibong lider.