LEGAZPI CITY – Malaking hamon para sa Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase para sa mga learners with disability kasabay ng pasukan sa Agosto 24.
Sinabi ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na magiging challenging ito sa bahagi ng mga guro kaya’t kailangan ng masusing paghahanda.
Kaugnay nito, ipapakita ng Sorsogon City School’s Division sa “dry run” sa Agosto ang paraan ng pagtuturo gamit ang ibang modality sa mga batang may kapansanan.
Dahil blended learning ang inaasahan, malaking salik sa pagkatuto ang gabay pa rin ng mga guro at mga magulang ng bata.
Magi-explore naman ng iba’t ibang hakbang upang makatiyak na matututo ang mag-aaral.
Bukod sa pagtuturo sa mga learners with disability, magkakaroon rin ng pagbabahagi ng ideya ng mga school’s division na pwedeng i-adopt mula sa pagbibigay ng takdang-aralin sa iba’t ibang uri ng mag-aaral, grade level at sitwasyon ng eskwelahan.