LEGAZPI CITY – Nasa P183 million na mga proyekto sa lalawigan ng Sorsogon ang inindorso ng Provincial Local Government na mapabilang sa 2023-2028 Regional Development Investment Plan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial Government spokesperson Dong Mendoza, isa sa pinakamalaking panukalang proyekto na kailangan ng funding support ay ang pagtatayo ng domestic airport sa lalawigan.
Malaki aniya ang maitutulong nito lalo na sa revenue dahil mas mapapabilis na ang pagbisita at mas makakahikayat pa ng maraming turista.
Ayon kay Mendoza, sisimulan ang pagtatayo ng naturang paliparan sa susunod na buwan at posibleng magtagal ng tatlo hanggang limang taon bago makumpleto.
Sinabi pa nito na seryoso at pursigido ang Pamahalaang Panlalawigan upang mas mapaganda pa ang Sorsogon.
Samantala, maliban sa pagtatayo ng paliparan ay marami pang proyekto ang inaasahang isasagawa sa lalawigan na papakinabangan ng mga residente.