LEGAZPI CITY- Patuloy ang paghikayat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol sa mga State Colleges at State Universities na mag-alok ng mga kursong may kinalaman sa Agriculture and Fisheries.
Isa kasi ito sa mga nakikitang paraan ng tanggapan upang maparami pa ang mga henerasyon na interesado sa pangingisda at pagtatanim.
Aminado si BFAR Bicol Regional Director Ariel Pioquinto sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa unang mga panaho, naging matumal ang mga nagpapa-enroll sa naturang mga kurso.
Subalit dahil aniya sa mga scholarships na inaalok ng pamahalaan ay muling dumadami ang mga kabataan na nais kumuha ng naturang kurso.
Paliwanag ng opisyal na dumadami ang mga nakakapagtapos sa Agriculture & Fisheries courses na isang senyales na bumabalik ang interest ng mga nakababatang henerasyon.
Ayon kay Pioquinto na nasa bansa na ang mga resources kaya posibleng maging self-sufficient sa pangangailangan kung mapapalakas ang suporta sa mga fisherfolks.