LEGAZPI CITY- Pinangangambahan ngayon ni Provincial Health Officer at WASH Coordinator, Engineer William Sabater ang posibilidad na matigil ang pagsu-supply ng tubig sa mga evacuation centers na tinutuluyan ng mga residenteng apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang mayon.
Ito ay dahil sa pagkadelay ng procurement at ng kinakailangang budget upang maipagpatuloy ang koordinasyon sa mga water refilling stations sa bawat bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sabater, nagpull-out na ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority(MMDA), matapos na matapos na ang ipinangako nitong tulong sa Mayon evacuees.
Dahil dito tinututulak ng opisyal na maipagpatuloy ang pagsusuplay ng malinis na tubig sa mga evacuation centers, sa pamamagitan ng mga water refilling stations.
Ani Sabater, tinatayang nasa 5,000 na mga containers ng tubig ang kakailanganin sa mga evacuation centers sa buong probinsya ng Albay.
Samantala, kaugany ng pagpapanatili ng kalinisan hindi lamang sa kinukonsumong tubig kundi maging sa paligid, loob o labas ng evacuation centers, nanawaggan ang opisyal sa lahat ng evacuess na magin disiplinado’t responsable sa paggamit ng tubig, lalo na kapag naliligo at magbubuhos ng tubig sa mga banyo.