
Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na iimbestigahan ang mga umano’y “ghost” flood control projects.
Ayon sa kanya, dapat ma-validate kung totoo ang mga balita tungkol sa mga ghost projects na ibinabalita sa kanila.
Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson na magpapataw ng mga parusa laban sa mga kontratista at kasabwat ng gobyerno na sangkot sa “ghost” flood control projects.
Samantala, naglabas na ng babala si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa mga tauhan ng gobyerno na nagnanakaw ng pondo ng publiko sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA 2025).