LEGAZPI CITY- Sinisimulan na ngayon ng Puro Elementary School sa lungsod ng Legazpi ang paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan bilang paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa darating na Hulyo 29.
Ayon kay Kagawad Ednel Sayco, nasa 14 na mga silid aralan ang inaayos ngayon upang maging handa sa pagbabalik sa klase at matiyak ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
Kabilang sa mga inaayos ay ang mga kagamitang pang-edukasyon katulad ng black boards at mga upuan.
Ayon kay Kagawad Sayco, ang Committee on Education ng Brgy. Puro, katuwang ng nasabing paaralan sa paglilinis ang mga opisyal ng barangay at iilang mga magulang.
Sa katunayan, nakapagsagawa na aniya sila ng declogging sa mga kanal na malapit sa paaralan upang maiwasan ang mga pagbabaha oras na magsimulan na ang tag-ulan.
Isa rin umaano ito sa mga pinaghahandaan ng mga opisyal ngayong pagpasok ng tag-ulan lalo pa at nasa low lying area ang nasabing barangay.
Samantala, hinikayat naman ng opisyal ang mga magulang at guardian na hindi pa naipapa-enroll ang kanilang mga anak, na iparehistro na ang mga ito.