LEGAZPI CITY – Inihayag ng grupo ng mga magsasaka na hindi ang pagluluwag sa importation process ng agri products ang tugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay matapos na ipag-utos ng chief executive ang mas mabilis o simpleng proseso ng mga agricultural imports sa bureau of customs.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Federation of Free Farmers National Managemer Raul Montemayor, matagal ng maluwag ang proseso sa pag-import ng mga produktong agrikultural na dahilan din ng talamak na smuggling.
Dahil sa naturang kautusan, tiyal na babaha ang mga imported na produkto sa mga merkado sa bansa na magreresulta sa pagkalugi ng mga magsasaka.
Binigyang-diin ni Montemayor, hindi importasyon ang solusyon kundi ang pagsasaayos ang marketing system ng bansa at pagbibigay ng suporta sa lokal na produksyon.
Kung pagbabasehan kasi ang domestic market ng bansa, mura ang bili sa mga produkto ng mga magsasaka subalit pagdating sa merkado ay doble o tripe na ang presyo na dapat minomonitor ng gobyerno.
Maliban pa rito, hindi dapat nakatutok ang pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda o mga binhi sa mga magsasaka kundi sa pagtatayo ng mga post harvest facilities na malaki ang papel upang hindi nasasayang ang mga aning produkto.